Bimby and Jana

HINDI pa man nag-uumpisa ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Bimby Aquino Yap at Jana ‘Baby’ Agoncillo ay marami na kaagad ang fans nila na nagtatanong sa amin kung kailan ang target showing nito.

Sinulat namin noong nakaraang linggo na ang dalawang bagets na ang magka-partner sa pelikula, base na rin sa kuwento ng mama ni Bimby na si Kris Aquino na nagsabing magbabantay sa set dahil ikakasal kaya aalis na sa kanila si Yaya Gerbel.

Ayon sa mga nakabasa, gustung-gusto nila si Baby dahil napakagaling umarte sa Dream Dad at super-cute pa at bagay sila ni Bimby na guwapong bata naman.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Hindi magiging problema kung English speaking man si Bimby dahil tiyak na makakasagot naman si Jana o Baby.

Pero baka pressured ngayon ang Star Cinema na kailangan nilang ituloy ang pelikulang pagsasamahan nina Bimby at Baby dahil ngayon pa lang ay marami na ang natutuwa sa kanilang team-up at higit sa lahat, naibalita na ito ni Kris maski na wala pang pormal na usapan kung plano pa lang.

Jackpot ang Star Cinema kung pang-Metro Manila Film Festival ito dahil lumalabas sa naturang filmfest ang young moviegoers at maraming bagets ang gustung-gusto sina Bimby at Baby.

Uy, bagay pala, Bimby at Baby, magka-rhyme.  At di ba mahilig ang bunso ni Kris sa tisay?

So, hindi lang ang dream dad niyang si President Baste (Zanjoe Marudo) ang may ka-love team (nagkakagusto na sa sekretarya niyang si Alex, Beauty Gonzales, na ang tawag ng viewers ay BasLex).

Susme, katunog ng Bataan-NLEX o NLex, Nash Aguas at Alexa Ilacad ng Bagito.

Kung anu-ano na lang ang nauusong pangalan ng love team ngayon, Bossing DMB.

(Kayo ng lovey-dovey mo, ano kaya ang dapat itawag? --DMB)