Tatlong estudyante ang isinugod sa pagamutan makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa loob ng eskuwenlahan ng Barangay Lapus, Iloilo City kahapon ng umaga.

Ayon sa Iloilo City Police Office, ang mga biktima ay nagtamo lamang ng minor injuries at nagpapagaling ngayon sa Iloilo Medical Center.

Sinabi ni Senior Insp. Rey Sumagaysay, naganap ang pagsabog sa Abanilla St, Barangay Lapuz, Iloilo City makaraang matagpuan ng tatlong estudyante ng Grade 7 ng Jalandoni Memorial National High School ang IED.

Ayon pa kay Sumagaysay, natagpuan ng mga biktima ang bomba at pinakialaman itong buhatin hanggang sa mabitawan dahilan upang ito ay sumabog.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa takot napatakbo ang mga biktima palabas ng gym at nagtamo sila ng minor injuries sa katawan.

Inaalam ng pulisya kung sino ang nag-iwan ng bomba sa loob ng eskuwelahan.