Labing siyam katao, na kinabibilangan ng kapitan at crew ng isang barko, ang bumagsak sa kamay ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos maaktuhang sinisipsip ang krudo mula sa kanilang barko sa karagatan ng Iloilo.

Nabawi ng mga opisyal ng Coast Guard at 25 plastic container, na naglalaman ng 500 litro ng krudo, mula sa mga suspek.

Mas kilala bilang “paihi,” ibinebenta ng mga suspek ang sinipsip na krudo mula sa kanilang barko sa ibang customer.

Ayon pa sa Coast Guard, karaniwang isinasagawa ang paihi sa laot upang makaiwas sa awtoridad.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi pa sa ulat na nakaangkla ang M/V Alal Capricorn sa karagatan ng Guiwanon Island nang magkaaberya ang makina nito noong Pebrero 9 habang patungong Mandaue, Cebu.

Subalit matapos ang ilang araw na nakaakla pa rin ang barko, nakatanggap ng impormasyon ang PCG na pinapaihi ng kapitan ng barko, nakilalang si Capt. Ruby Cajilig, at kanyang 18 crew nang krudo mula sa Capricorn.

Sakay ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Jordan at sa tulong ng mga tauhan ng Marine Environmental Protection Unit-Western Visayas, natiyempuhan ang grupo ni Cajilig habang binuburiki ang krudo ng kanilang barko at ikinakarga sa isang bangka na naghihintay sa laot.