Hinamon ng mga kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) ang Public Order Committee na pinangungunahan ni Senator Grace Poe sa imbestigasyon ng Mamasapano carnage na ipatawag upang pagpaliwanagin si United States (US) Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa umano’y pagkakasangkot ng tropa ng Amerikano sa pumalpak na operasyon.

Kung nais natin ng buong katotohanan, hindi dapat natatapos sa pag-amin ni SAF Commander Napeñas na humingi siya ang tulong sa mga Kano para ibakwit ang mga sugatang pulis,” sabi ni Gie Relova, lider ng BMP.

Ayon kay Relova, marami pang mas kontrobersiyal na usapin tulad ng paggamit ng mga US helicopter sa rescue mission ng mga nasugatang police commando, paggamit ng drone, kustodiya sa daliri ni Marwan, umano’y koordinasyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Federal Bureau of Investigation (FBI) at ang pinakaimportante, ang pinanggalingan ng “actionable intelligence” na naunang binanggit ng Pangulong Aquino sa kanyang pambansang pahayag noong Enero 29.

Aniya malaki ang tsansang magamit pa ang komite ni Poe para itago sa publiko ang naging papel ng mga Amerikano hanggang hindi nagsasabi ng buong katotohanan si Goldberg kasabay ng hamon na magpakita ng sinseridad ng suporta ang Amerika sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtanggap sa imbitasyon sa pagdinig sa senado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Handa ang BMP na magkasa ng serye ng kilos-protesta sa embahada ng Amerika hanggang hindi inilalahad ni Goldberg ang partisipasyon ng mga tropa nito sa Maguindanao.