Hiniling ng kampo ni Puerto Prinsesa Mayor Lucilo Bayron sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ng Tempory Restraining Order (TRO) upang ipatigil ang recall election sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Atty. Teddy Rigoroso, abogado ni Bayron, nagkaroon umano ng pag-abuso sa kapangyarihan ang Commission on Election (Comelec) nang payagan nito ang recall elections gayung may mga depekto ang petisyon.

Sinabi nj Rigoros, na ikinasa ang recall election ng isang Alroben Goh, noong Marso 17, 2914 o siyam na buwan matapos manalo si Bayron.

“Recall elections are part of the democratic experience. However, it can also be a double-edged sword. Rightly used, it can promote greater good. Wrongly used, it can result in greater evil. The recall election petition against Mayor Bayron falls under the latter category,” ayon kay Rigoroso,

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Tinukoy pa ng abogado ang mga paglabag ng Comelec, kabilang na ang premature na pag-apruba, kabiguan na magkaroon ng malayang evaluation ng mga lumagda sa petisyon, pag-apruba nito sa kabila ng paliwanang ng ilang lumagda na hindi nila alam ang laman nito, at pagkabigo na maabot ang itinakdang porsiyento ng mga lumagda.

“The Comelec is about to implement the grossly infirm recall election such that there is a paramount necessity for the high court to issue an injunction to prevent serious and irreparable damage and prejudice to Mayor Bayron and the people of the Puerto Princesa, Palawan,” dagdag pa nito.