Patay ang isang 39-anyos na tricycle driver matapos barilin sa ulo ng hindi nakikilalang suspek habang naghihintay ng pasahero sa harap ng isang tindahan sa Tondo, Manila nitong Sabado ng gabi.

Dalawang punglo ng baril sa ulo ang agad na ikinamatay ng biktimang si Joselito San Diego, residente ng Gabriela Street, Dagupan, Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang insidente dakong 10:00 ng gabi sa harap ng Eliza’s Store sa Dagupan, Tayuman Street, sa Tondo.

Nag-aabang ng pasahero ang biktima nang nang lapitan at paputukan ng suspek mula sa likuran.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo nito sa pagpatay.