Ang pagdagsa ng turista sa bansa ang susunod na pinakamalaking kaganapan sa Pilipinas kasunod ng pagsikat ng “selfie” photos, ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez.

Sa awarding ceremony para sa unang Tourism Star Program (TSP) na ginanap sa Makati nitong nakaraang linggo, sinabi ni Jimenez na umabot sa 47 milyong Pinoy ang bumisita sa iba’t ibang tourist spot sa bansa noong 2014.

Ito ay mas malaki ng dalawang milyon kumpara sa 45 milyong domestic tourist noong 2013.

“Tourism is only second to the ‘selfie’ in terms of popularity...the pandemic of taking self-portraits,” pahayag ni Jimenez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa opisyal, nagiging tampok din ang mga tourist attraction sa Pilipinas tuwing naipo-post sa mga social networking site ang mga selfie photo, na background ang mga travel spot.

sAniya, ito ay suportado ng datos mula sa United Nations World Tourism Organization (UNWTO), na natukoy na ang mga Pinoy ay unti-unting nagiging isa sa mga pinakamalaking gastos sa turismo kumpara sa ibang nasyunalidad sa buong mundo.

“Some smaller emerging markets saw expenditure (on international tourism) grow substantially, with Saudi Arabia, India, the Philippines and Qatar all reporting increases of 30 percent or over,” ayon sa UNWTO .

Naniniwala si Tourism Undersecretary Benito Bengzon na ito ay patunay lang na dumadami ang mga Pinoy na nagiging bahagi ng kanilang buhay ang pagbiyahe sa iba’t ibang lugar.

Dahil dito, kumpiyansa ang dalawang opisyal na lalago pa ang ekonomiya ng Piliinas dahil patuloy na tinatangkilik ng mga Pinoy ang magagandang destinasyon sa bansa.

Noong 2014, nakalikom ang gobyerno ng P214 bilyon mula sa mga local at foreign tourist.