NALAMAN namin ang sekreto ng listong memorya ng kilalang TV host actress. Kaya nakikigaya na rin kami sa food supplement na iniinom niya, he-he….

 Bongga ang ATC Healthcare International na gumagawa nito, dahil mabenta pala ang lahat nilang products simula nang i-launch nila ito kamakailan sa tulong ng kanilang celebrity endorsers na sina Jackie Rice, Nikki Gil, Amy Perez, Raffy Tulfo, Iya Villania at Mocha Girls.

Sakit na nga yata ang pagiging makakalimutin lalo na sa panahon ngayon dahil bata man o matanda ay tinatamaan nito. Nagiging makakalimutin ang matatanda dulot ng kanilang edad, samantalang ang mas nakababata ay nagiging ganoon din dahil na rin sa unhealthy lifestyle at kawalan ng pokus dulot ng napakaraming impormasyong dala-dala ng information age.

Kaya nanaliksik ang ATC Healthcare ng pinakamabisang sangkap upang maprotektahan ang ating sarili laban sa pagiging makakalimutin at siniksik ito sa bawat kapsula ng ATC Ginkgo Biloba.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

 Umiinom kami ng Ginkgo Biloba, Bossing DMB at alam namin na iniinom din ito ng kilalang female TV host/actress na hindi puwedeng pangalanan dahil hindi naman siya kinuhang endorser.

Food supplement ang ATC Ginkgo Biloba at tinatawag na brain enhancer na makatutulong para makaiwas sa memory loss. Kailangang inumin ang dalawa hanggang tatlong kapsula sa isang araw at dapat ay araw-araw at hindi puwedeng lumiban.

 At ang sinasabi naming kilalang TV host/actress ay sobrang sharp ng memory, as in, maski na puyat siya araw-araw.