SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Dahil hindi makayanan ang pagkakadawit sa isang kasong homicide, isang 19-anyos na binata ang nagbigti sa puno ng guyabano sa tabi ng kanyang bahay sa Barangay Pulo sa bayang ito.

Batay sa ulat sa tanggapan ni San Isidro Mayor Dong Lopez, nakilala ang biktimang si Jonie Cristobal y Agad, residente ng Sitio Babang Dapo, Bgy. Pulo. Natagpuan siya ng tiyahin niyang si Marilyn Buenaventura y Tapia, 47, na wala nang buhay sa pagkakabigti sa puno ng guyabano.

Ayon sa ina ng biktima na si Catalina Agad y Bauto, 40, may kinakasama, ng Purok 6, Bgy. Sto. Tomas, nadawit ang kanyang anak sa isang kaso ng pagpatay noong Hunyo 9, 2014 sa Jaen at naniniwala siyang ininda ito ni Jonie.

Aniya, matagal-tagal din na nagtago sa batas ang kanyang anak at nang umuwi ay naisipang magpatiwakal.
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian