Richard & Lucy

IKINASAL noong Abril 1998 sina Richard Gomez at Lucy Torres kaya ngayong taon ay magsi-celebrate sila ng kanilang  17th anniversary as a married couple. 

Maraming ibang showbiz couples na naiinggit sa uri at itinatagal ng kanilang pagsasama. Sa kabila ng hectic schedules at sa maintrigang mundo na kanilang ginagalawan, sa showbiz at politics, walang puwang ang intriga kina Richard at Lucy.

“We don’t shout at each other or say things that we don’t mean. We’re very mature in our discussions and yet we don’t mince words,” kuwento ni Lucy.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Good communication ang mahalaga sa kanilang relationship, salo naman ni Richard. 

“Between the two of us, hindi kailangang maging ma-pride. Our line of communication is very open. When we have problem, we talk about it to solve it,” sabi ni Goma. 

Nagkakasundo ang dalawa na ang importante ang maliliit na bagay na ginagawa ng husband para sa kanyang wife para manatiling matamis ang pagsasama.  

“Kunwari even if I have to leave early and he came home late from taping, he will never just say goodbye. He will really stand up to take me to the car. Then he’ll go back to sleep. He’s a gentleman that way,” banggit pa ni Lucy.

Magkatuwang ang dalawa sa public service na malaking bagay din para manatiling matatag ang kanilang samahan.Aktibo ang dalawa sa rebuilding ng kanilang communities sa Ormoc City na sinalanta ng bagyong Yolanda.

“It strengthens our partnership,” sambit ni Richard 

“He’s very practical,” sabi naman ni Lucy. “I’m more of a dreamer. He makes me realize that to fulfill dreams, you need to see what realistically can be done.”

Gaya ng ilang showbiz couples na more adventures ang pinagtritripan as bonding, iba naman kay Richard na mas gusto ang  simple and low-key family life.

“I always think we’ll be relaxed and happy as a family. Personally, I want to live an easy and happy life. Ganu’n lang,” katwiran ni Goma.

Sa February issue ng Working Mom magazine ay marami umano silang rebelasyon kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang pagsasama.