Kasabay na pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 19, pinayuhan ng chemical safety at zero waste watchdog group ang mga consumer na maging maingat sa pagbili ng mga lucky charms at enhancers na posibleng nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal.

Ayon sa EcoWaste Coalition, bumili sila ng 20 Chinese New Year good luck charm at ornament sa mga specialty store at sidewalk vendor sa Binondo at Quiapo, Manila, na nagkakahalaga lamang ng P20 hanggang P50.

Sinuri nila ang mga ito laban sa toxic metals gamit ang isang portable X-Ray-Fluorescence (XRF) device at dito natuklasang 13 sa 20 sample ay nagtataglay ng mataas na antas ng lead, arsenic at chromium, habang tatlo ang may high level ng antimony at isa naman ang may taglay na labis na cadmium.

Sinabi ng EcoWaste na ang arsenic, cadmium at lead ay kabilang sa “top ten chemicals of major public health concern,” batay sa pahayag ng World Health Organization (WHO).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Project Protect, ang pagkakalantad sa mga naturang toxic metals ay itinuturong may kinalaman sa ilang health issues mula reproductive disorders, birth defects, developmental delays, hormonal imbalances, heart ailments, neurological problems hanggang cancers.

“Lead exposure, in particular, has been linked to aggressive, delinquent and destructive behavior. Ironically, many Filipinos unsuspectingly buy such potentially dangerous lucky charms and amulets for good health and for long, trouble-free life,” aniya.

“None of the items analyzed had complete product labeling information, including chemical information to warn buyers of possible chemical hazards,” dagdag niya.