SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Malubha ngayon ang lagay ng isang lalaki matapos siyang mabaril ng panganay niyang kapatid kasunod ng mainitan nilang pagtatalo sa lupang minana nila sa kanilang mga magulang sa Zone 2, Barangay Palestina ng lungsod na ito, noong Linggo.

Batay sa ulat sa tanggapan ni San Jose City Mayor Marivic Belena, nakilala ang biktimang si Narciso Obra Batugal Sr., 58, ng Escobar Street, Bgy. Canuto Ramos, ng lungsod, na binaril ng kapatid niyang si Menilio Obra Batugal, 77, residente rin sa lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Apolinario Tolentino, dakong 7:25 ng umaga, kasama ng biktima na gumagawa ng bakod sa minanang lupa ang dalawang iba pang kapatid, isa niyang anak at isang pamangkin nang dumating si Menilio at pinigilan sila.

Nagtalo ang magkakapatid hanggang umuwi ng bahay ang suspek at pagbalik ay binaril ang biktima, na nasapol sa balikat.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Agad namang naaresto ang suspek at kinasuhan na ng frustrated homicide.