Ang senado at ang kongreso ay kapwa gumagawa ng kanya-kanyang imbestigasyon sa pagkamatay ng 44 na SAF commando. Iminungkahi nang magsanib ang mga komite nilang nagiiimbestiga ng insidente, pero tinanggihan ng senado.

May dahilan ang mga senador kung bakit ayaw nilang makasama ang mga kongresista sa layuning ito. Ganoon din ang mga kongresista. Pero, sa nauna nang imbestigasyon ng mga kongresista, tama lamang na humiwalay sa kanila ang mga senador. Kasi, maliwanag na lumabas na ang imbestigasyon ng kamara ay “in aid of election”.

Bawat kongresista na kasapi ng komite ay nais magsalita para makapagbalita lamang, nais magtanong para makapagtanong lamang. Libreng advertisement ito sa kanilang pamumulitika dahil nakatutok sa kanila ang radyo at telebisyon. Kaya hindi maiiwasan na sila-sila mismo ang nagbangayan. Pinanood lamang sila ng kanilang mga kinumbidang resource persons na maaaring natutuwa o naiinis sa kanilang bangayan.

Sa kabila ng ginawang ito ng mga kongresista, payag pa rin akong ipagpatuloy nila ang imbestigasyon kung ipakikita nila na iba sila sa mga senador. Magagawa lang nila ito kung pagsasalitain nila ang mga nakaligtas na SAF commando sa kanilang pagdinig. Sa harap ng publiko at hindi sa executive session na siyang ginagawa ng mga senador.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kailangan marinig ng sambayanan ang tunay na nangyari na ang makapagsasabi lang nito ay iyon mismong naroroon sa labanan. Umasa na lang tayo na totoo ang ihahayag nila, hindi gaya ng kanilang mga pinuno, dahil ikalawang buhay na nila ito. Kung itatago rin ng mga kongresista ang mga nakaligtas na SAF trooper sa executive session, itigil na nila ang ginagawa nila pagdinig. Kasi, hindi lang unconstitutional ang PDAF kundi pinatutunayan nila na napupunta lamang ito sa walang katuturan.