Malungkot ang birthday celebration ni Sen. Jinggoy Estrada kahapon matapos ibasura ng Sandiganbayan ang kanyang mosyon na makadalo sa isang misa sa isang simbahan sa San Juan City kaugnay sa kanyang ika-52 kaarawan.

Ayon sa Fifth Division ng anti-graft court, hindi naman emergency ang nasabing kahilingan ni Estrada at may limitasyon na rin ang mga galaw nito dahil kasalukuyang itong nakapiit kaugnay ng kinakaharap nitong kasong plunder at graft.

Nauna nang iginiit ni Estrada sa hukuman na pahintulutan itong lumabas ng kulungan mula 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi ngayong araw para sa isang family tradition na pagdalo sa isang misa sa Pinaglabanan Church sa San Juan.

Si Estrada ay nakakulong ngayon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, kaugnay ng pagkakadawit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund scam na ang itinuturong mastermind ay si Janet Lim-Napoles.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kasama ni Estrada sa kaso sina Senator Juan Ponce Enrile at Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.