Kathniel

SA presscon ng Crazy Beautiful You, agad napansin ang kakaibang aura ng lead stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Gumuwapo si Daniel at lalong gumanda si Kathryn.

Napansin ng press people na nag-gain ng weight si Daniel na fairness, bagay naman sa young actor.

“Mas okay na ‘yun, na ganito, kaysa naman sa mukha akong butiki noon,” pabirong sabi niya. 

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

“Hindi ako tumaba guys, ano lang, lumaki. Actually, pinapataba nila ako ‘kaso nga sumobra ako,” sabay tawa.

Natawa lang si Daniel nang i-dare siya na ipakita ang kanyang abs. Bata pa raw siya sa ngayon (katutuntong lang sa 20 years old) kaya saka na lang daw niya iisipin ang pagkakaroon ng muscles.

“Ayaw ko pa, relax lang muna. Hindi naman kailangang magmadali sa mga ganyan. ‘Tsaka bata pa ako, hindi ko pa kailangan ng ganoon.”

May nagtanong kay Kathryn kung mas gusto niya ‘yung dating porma ni DJ (palayaw sa aktor) o kaysa itong mas may laman.

“Mas gusto ko na ito kasi nga pinapataba siya dati. ‘Tapos ngayon, parang na-e-enjoy niya na ganoon kadami ang kinakain niya, na pinapa-stop na namin siya. Siya ‘yung nagtatago pa para kumain. Pero mas bagay naman talaga,” sagot ng Teen Queen.

At kahit daw tumaba si Daniel, para sa kanya’y sexy pa rin ang ka-love team.

“Hindi naman kailangan na kapag sinabi mong sexy, may six-pack, may abs. Nasa pagdadala ng tao iyon. Nadadala naman niya iyon. Tsaka hindi ko din siya ma-imagine na ganoon, parang mas cute siya na ganyan,” ani Kathryn.

Hindi man sila nagplano ng date last Valentine’s Day, magkasama pa rin daw sila dahil tinatapos pa nila ang trabaho sa Crazy Beautiful You.

“May dubbing pa, hindi pa kami tapos,” sabi ni Daniel sabay tawa. “So baka after na lang siguro ng assignments namin for this movie,” saka nila iisipin ang naunsyaming date at bigayan ng V-Day gift.