ARJO Atayde

SOBRANG saya ni Arjo Atayde na ipinahiram siya ng production unit ni Ms. Ginny Ocampo sa Dreamscape Entertainment, kaya naman determinado siya na lalo pang pagbubutihin ang anumang papel ang ibibigay sa kanya.

 Inspirado rin siya na makakatrabaho niya si Joel Torre, na isa sa mga idolo niya, sa On The Wings of Love serye nina James Reid at Nadine Lustre.

Inamin ni Arjo na unti-unti nang natutupad ang mga pangarap niyang makatrabaho ang mga hinahangaan niyang aktor sa Philippine cinema tulad din nina Nonie Buencamino sa Dugong Buhay at Pen Medina sa E-Boy.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Sobrang saya ko, tita makasama o makatrabaho ko po ang mga idol ko in terms of acting, I really look-up to them, like Sir Nonie, Sir Pen, ‘tapos ngayon sa On the Wings of Love, si Sir Joel Torre, so sobrang nai-inspire ako nila.

“Gusto kong tumagal po sa industriya tulad nila na kita mo naman, hindi pa rin sila kumukupas. Looking forward to work with the greatest Sir Eddie Garcia, grabe saludo talaga ako sa kanya. 

 “Kaya sobrang excited po talaga ako sa new project ko with Dreamscape, kay Sir Deo (Endrinal), promise ko talaga I will give my best,” kuwento ng aktor.

 Katatapos lang ni Arjo ng Pure Love sa unit ni Ms. Ginny Ocampo na nagbigay sa kanya ng break sa serye at hindi naman niya itinanggi na gusto rin niyang makatrabaho ang ibang unit.

“Pero nagpapasalamat po talaga ako kina Ms. Ginny sa tiwalang ibinigay nila sa akin bilang baguhan, now nakakatawid na po ako ng ibang unit at hindi po siguro mangyayari ito kung hindi rin ako nahubog ng mga direktor ko sa past seryeng nagawa kop o like E-Boy, Dugong Buhay, Pure Love at MMK (Maaalaala Mo Kaya) na ilang beses po akong na-guest doon at doon din ako nakakuha ng award, sobrang thankful po talaga ako, tita,” pahayag ni Arjo.

Samantala, hindi naman kabigatan ang papel ni Arjo sa On The Wings of Love at kahit support siya ay walang problema sa kanya.

“Very light lang po, tita, naiiba naman sa past projects ko,” say ng binata.

 May mga nagtanong kasi kung bakit gayong naging lead actor na si Arjo sa Pure Love at Dugong Buhay ay pumayag pa rin siyang maging suporta sa JaDine project.

“Walang kaso sa akin, tita ke support o special participation as long as may project ako at nagawa ko ‘yung hinihingi sa akin ng directors ko, that’s fine. At the end of the day, it’s still work. Thankful nga ako kasi maraming walang work ngayon, tatanggi pa ba ako?” sabi ng aktor.

Bukod sa On the Wings of Love, kasama rin si Arjo sa “Remote Control ni Eric” episode ng Wansapanataym na pinagbibidahan ni Harvey Bautista na anak nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Tates Gana na nakilala sa Goin’ Bulilit. Kung hindi kami nagkakamali ay special participation si Arjo sa Wansapanataym.