Alas, Fonacier

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 pm NLEX vs. Blackwater

7 pm Alaska vs. San Miguel Beer

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Umangat mula sa kanilang kinalalagyan sa team standings ang tatangkain ng apat na koponan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magtatapat sa pambungad na laban sa ganap na alas-4:15 ng hapon ang wala pang panalong NLEX (0-3) at ang inspiradong Blackwater (1-3) habang magtutuos sa tampok na laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi ang Alaska (1-2) at ang winless pa ring Philippine Cup champion na San Miguel Beer (0-3).

Matapos mabigo sa unang tatlong laro, nabuhayan ng dugo ang Elite nang matikman ang pinakaaasam na unang panalo sa liga magmula pa noong Philippine Cup nang pataubin nila ang Beermen sa nakaraan nilang laban noong Miyerkules, 80-77.

Inaasahan ni Elite coach Leo Isaac na magiging inspirasyon para sa kanyang koponan ang nasabing panalo na tumapos sa pinagdaanan nilang 14 na sunod na kabiguan.

“We can use this victory to inspire us more and to be more competitive,” pahayag ni Isaac na asam ang kanyang unang back-to-back win bilang professional mentor.

Habang huhugot ng inspirasyon ang Blackwater sa nasabing panalo, sisikapin naman itong ibaon sa limot ng Beermen na magsisikap na gumising at bumangon mula sa bangungot na tatlong sunod na kabiguan matapos nilang magkampeon sa season conference opener.

Ayon kay Philippine Cup finals MVP Arwind Santos, tumimo sa isip niya ang binitawang salita ni Austria na proud-na-proud ito sa team dahil nag-champion sila ngunit nahihiya ito ngayon sa mga nangyari.

“Kaya kung nakakaintindi ka, gagawa ka ng paraan para maging proud ulit ang mga coach mo sa iyo,” ani Santos na nangakong sisikapin nilang maibalik ang pagmamalaking nararamdaman ng kanilang mentor para sa team.

Sa panig naman ng kanilang makakatunggali, magtatangka naman ang Road Warriors na makabasag sa win column makaraan ang tatlong sunod na kabiguan habang target ng Aces, gaya ng Elite, ang unang back-to-back win ngayong second conference.

Naitala ng Alaska ang unang panalo matapos ang dalawang sunod na pagkabigo nang manaig ito at ungusan ang Road Warriors sa laban nila noong Pebrero 7 sa San Juan Arena, 96-95.