RIYADH, Saudi Arabia (AP) — Nagbabala ang mga katabing bansang Gulf Arab ng Yemen noong Linggo na kapag nabigo ang mundo na tumugon laban sa mga rebeldeng Shiite na nagpabagsak sa gobyernong Yemeni, kikilos ang six-nation Gulf Cooperation Council upang mapanatili ang seguridad at katatagan sa rehiyon.
Hindi idinetalye ng foreign ministers ng GCC ang mga hakbang na maaaring gawin ng grupo, ngunit partikular na nanawagan sa United Nations Security Council na makialam. Kamakailan ay inagaw ng mga rebeldeng Shiite, kilala bilang mga Houthi, ang kontrol sa kabiserang Sanaa, at pinuwersang magbitiw ang pangulo at binuwag ang parliament.
Ang GCC states ay binubuo ng Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Bahrain, Oman at United Arab Emirates.