Tarlac City – Magkakabalyahan ang ilang lalahok na dayuhan at mga dating Tour champion sa pagsikad ng Luzon qualifying leg sa huling dalawang araw ng eliminasyon ng ginaganap na Ronda Pilipinas 2015 handog ng LBC sa Tarlac ngayong umaga at Antipolo City naman sa Martes.

Sinabi ni Ronda Pilipinas Race Director Ric Rodriguez na darating sa bansa ang Korean, France at Italian riders na siyang bubuo sa European composite team na kinabibilangan ng ilang Danish cyclist upang magbigay hamon sa mga dating tour champions, Under 23, juniors at sa nagbabalik sa bansa na pambansang koponan.

“Our national riders are back from their campaign in the Asian Cycling Championships. They will be joining the Luzon leg even though they are seeded already as part of their preparation to the Southeast Asian Games and to our final leg as well,” sabi ni Rodriguez.

Pamumunuan ni 2013 Ronda champion Mark John Lexer Galedo ang pambansang kopona na kinabibilangan nina Rustom Lim at Mark Julius Bordeos, na tumapos na ikalima at ikawalo sa individual road race ng juniors division sa ginanap na Olympic qualifying na ACC sa Nakhon Ratchisima, Thailand.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sasabak din si Jerry Aquino Jr. na tumapos na ikapitong puwesto sa pinakamatinding labanan sa men’s road race ng ACC kung saan nakataya ang awtomatikong silya sa magwawagi ng gintong medalya para mapasok sa 2016 Rio De Janeiro Olympic Games sa 2016.

Inaasahan naman ni Ronda Pilipinas Executive Director Moe Chulani na magiging maigting ang labanan sa juniors na mahigit 50 ang sasali at laluna na sa tampok na open category kung saan ang mga dating Tour champion na sina Santy Barnachea (2011), Baler Ravina, Irish Valenzuela (2012) at Reimon Lapaza (2014) ay muling sasabak.

“The real goal of Ronda Pilipinas is to discover some new talents. This Visayas qualifier, we’re happy to see some new faces and young ones who made it to the Championship round. Hopefully, there will be more in the Luzon leg” sabi lamang ni Chulani.  

Huling pagkakataon naman ng mga datihan at baguhang siklista na makatuntong sa anim na araw na kampeonato sa dalawang yugtong Luzon qualifying leg na inaasahang madadagdagan ang nakatayang silya matapos 40 lamang ang nakatapos sa mahirap na tatlong araw na pinagsamang Visayas at Mindanao leg.

Iniuwi ni Boots Ryan Cayubit ng 7-Eleven ang korona upang siuguruhin ang kanyang silya sa Championship Round  na nakatakdang isagawa sa Pebrero 22 hanggang 27 sisimulan sa Paseo Greenfi eld City sa Sta. Rosa, Laguna paakyat sa malamig at matarik na bulubunduking ng Baguio City.

Kasamang nagkuwapilika ni Cayubit ang kakampi na si Marcelo Felipe, Rey Martin ng Team Cebu, Irish Valenzuela ng Army, Baler Ravina at Cris Joven ng 7-11, Leonel Dimaano, Junrey Navarra ng LBC at Alvin Benosa ng Army na inokupahan ang Top 10.