ISA si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa mga pinarangalan bilang 2015 NCAA (National Commission for Culture and the Arts Ani ng Dangal awardees sa awarding rites na ginanap sa National Museum of the Philippines.

Vilma SantosKinikilala ng komisyon si Ate Vi dahil sa iniuwi niyang karangalan sa bansa sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 2014 Dhaka International Film Festival para sa pelikulang Ekstra.

Personal niyang tinanggap ang parangal ng NCAA.

Sa dinami-dami ng awards na ipinagkaloob sa kanya bilang artista at public servant, excited pa rin ba siyang umakyat sa stage at tumanggap ng awards?

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“Oo naman! Sa totoo lang naman, eh, karangalan ko bilang isang artista for so many years at isa na akong public servant and yet ang ganitong karangalan, nakaka-boast ng morale ko,” sabi ni Ate Vi nang makausap namin sa mismong venue.

Tuwing tatanggap siya ng acting award o pagkilala sa kanyang kahusayan bilang artista ay lalo niyang name-miss ang pag arte.

“Parte ng na buhay ko ang showbiz at eversince, nasa puso ko ang pag-aartista at alam din naman ‘yan ng constituents ko at hindi mawawala ang pagiging Vilma Santos ko na artista at lagi andiyan ‘yan at utang na loob ko rin ‘yan kung saan ako andun, eh, dahil ‘yan sa pagiging artista ko,” lahad pa niya.

Umugong din sa venue ang usap-usapan na kasunod na raw ng pagkilala ng NCAA ang paggawad naman sa kanya ng National Artist. Itinanong naming ito kay Ate Vi pero tanging iling lang ang isinagot niya sa amin.

Tiniyak ni Ate Vi na sa magkakapelikula na siya ngayong taon.

“Pakiusap ko naman ‘yan sa mga taga-Batangas na payagan nila ako na makagawa kahit isang pelikula lang. Kumbaga, mapagbigyan lang nila ang hiling ko kahit every two years isang movie lang, eh, okey na ako. ‘Wag lang mawala kasi hinahanap ko rin talaga,” seryosong lahad ng Star for All Seasons.

Pinasalamatan niya ang Vilmanians at ang lahat ng madlang pipol na hanggang ngayon ay sumusuporta pa rin sa kanya, dahil sila, sunod sa kanyang pamilya, ay nananatiling inspirasyon niya.

Samantala, tinututukan din pala ni Ate Vi ang mga nagaganap simula nang lumabas ang balita sa madugong engkuwentro sa Mamapasano hanggang sa imbestigasyon sa pagpatay sa SAF 44. Aniya, hindi biro ang trabaho ng mga pulis.

“In fact, I always tell them na napakalaki ng respeto ko sa trabaho nila. Alam naman nating kahalati ng buhay nila, eh, laging nasa delikadong sitwasyon. So, kung meron man d’yan na gumagawa ng kalokohan, eh, higit na mas marami ang nakahandang magbuwis ng buhay laban sa kanila para sa atin.

“Kumbaga, para iligtas tayong lahat at para sa bayan. Kaya I truly sincerely salute them. And please continue to protect us. Maraming maraming salamat sa inyo,”sey pa ni Ate Vi.

“Siyempre, tuloy pa rin ang prayers ko hindi lang para sa pamilya ng mga namatayan nating miyembro ng SAF kundi pati na rin sa mga kapatid nating mga Muslim na namatayan din. May pamilya din ‘yun and I guess the most important thing, we can only have peace when we get justice,” dugtong pa niya.

Nabanggit ni Ate Vi ang pag-iyak ni General Espina sa Senate hearing aniya ay na natural na reaksiyon.

“In fact nakiluha sa kanya ang sambayanan. Totoo naman na hustisya lang ang hiningi at ako at lahat naman siguro tayo, eh, nakiluha sa kanya. Kumbaga, lalo na sa trabaho ko na I always deal with the men in uniform, mga kapulisan, kaya nararamdaman ko ang paghihirap nila,” sey pa ng aktres.