DAVAO CITY - “Nauubusan na kami ng sasabihin sa pagkondena sa pagpatay sa isa na namang kabaro namin.”

Ito ang nakasaad sa pahayag ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa pagkondena sa pamamaslang noong Valentine’s Day kay Maurito Lim, isang radio broadcaster, ng nag-iisang salarin.

Ayon sa ulat, pababa na si Lim mula sa kanyang sasakyan na nakaparada sa tapat ng himpilan ng DYRD sa Tagbilaran City nang lapitan siya ng isang lalaking sakay sa motorsiklo dakong 10:35 ng umaga noong Sabado.

Bagamat sarado ang bintana ng kanyang kotse, nilapitan ng suspek ang biktima at ipinutok ang baril sa salamin ng sasakyan at tumagos ang bala nito hanggang mapuruhan ang kaliwang bahagi ng mukha ng biktima.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Katambal si dating Bohol Gov. Vicente de la Serna sa kanyang programang “Chairman Mao on Board,” isinugod si Lim sa isang ospital pero tuluyang nalagutan ng hininga dakong 1:15 ng hapon.

Sinabi ng NUJP na si Lim ang ikalawang mamamahayag na napatay sa Bohol, at ika-172 simula noong 1986, sa panunungkulan ni noo’y Pangulong Corazon C. Aquino, at ika-31 sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

“We beg the indulgence of our hardworking government officials if we preempt them, lest in their concern for the impunity with which journalists have continued to be murdered under their watch, they chalk this one up to another ‘non-work related’ death, by pointing out that colleagues in Bohol have confirmed that, before his death, Lim had been hitting hard at local officials linked to the illegal drug trade,” giit ng NUJP.