Laro ngayon (FIl Oil Flying V Arena):

3pm -- Cagayan Valley vs. Hapee

Mapanatili ang kanilang matagumpay na kampanya noon sa amateur basketball ang tatangkain ng Hapee, habang makamit naman ang unang titulo bilang isang koponan sa malaking liga ang hangad ng Cagayan Valley sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa simula ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup.

Ganap na alas-3 ang simula ng best-of-three finals series sa FIl Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Baon ang apat na titulo ng koponan noong panahon ng tumiklop na ligang Philippine Basketball League, hangad ng Fresh Fighters na maipagpatuloy ang nasabing winning tradition ng prangkisa.

Sa kabilang dako, nakapasok sa ikalawang pagkakataon sa kampeonato, magtatangka naman ang Rising Suns na makopo ang asam na unang titulo.

Gaya ng dati, muling aasahan ni Fresh Fighters coach Ronnie Magsanoc ang dating league MVP na si Garvo Lanete, ang mga beteranong sina Kirk Long,Ola Adeogun, Arthur de la Cruz, Baser Amer at collegiate standout na si Troy Rosario.

Tiyak namang sasandigan ni coach Alvin Pua sina FIl Ams Ali Austria, Abel Galliguez at Randy Dilay lalo na ang top pick na si Moala Tautuaa kasama ang mga local standouts na sina Jason Melano, Don Trollano, Adrian Celada at Eric Salamat.

“Hindi na puwedeng isipin na tinalo namin sila sa eliminations, ibang level  na yung Laban dito, finals na ito, eh. Kailangan focus lang kami lalo na sa depensa,” pahayag ni Pua.