Lausanne (AFP)– Sina Roger Federer at Stanislas Wawrinka, na pinangunahan ang Switzerland sa Davis Cup noong nakaraang taon, ay kapwa tinalikuran ang kanilang koponan para sa first round tie sa susunod na buwan sa Belgium.

Kinumpirma ng ipinalabas na statement ng Swiss Tennis Federation na ang pares ay: “have decided to not make themselves available” para sa tie na nakatakda sa Liege sa Marso 6-8.

“I’m the first to understand that priorities change in the year after a Davis Cup victory and that it isn’t that easy to get back into the fray,” pahayag ni Rene Stammbach, Federation president.

Kampeon sa Australian Open noong nakaraang taon, ipinaliwanag ni Wawrinka na ang 2014 ay naging: “a very long year, rich in emotion and with some incredible moments.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ngunit hindi naman niya isinasara ang pinto para sa selection sakaling makuwalipika ang Switzerland.

“After so many years on the circuit, I have taken this difficult decision in regard to my timetable for the coming weeks,” aniya. “This decision only concerns the first round and we’ll see later if I will return to the team.”