ANG bisperas ng Valentine’s Day, para sa mga taga-Rizal ay naging araw ng pagmamahal sa kalikasan sapagkat binuksang muli sa publiko ang bagong Hinulugang Taktak at National Park Antipolo na sumailalim sa rehabilitasyon. Ang rehabilitasyon ng Hinulugang Taktak ay pagtutulungan ng pamalaang panlalawigan ng Rizal at ng pamahalaang lungsod ng Antipolo, natupad sa suporta at tulong ng lahat ng barangay sa Rizal, mga guro at mag-aaral sa iba’t ibang paaralan, mga civic, religious at non-government organization mga environmental at iba pang may puso sa pagtulong malasakit sa kalikasan.

Ang Hinulugang Taktak, batay sa Proclamation No. 42 ay ipinahayag na nasa kategorya na ng Protected Landscape upang matiyak ang proteksyon, patuloy na pagpapaunlad at rehabilitasyon nito. At sa paglulunsad ng YES (Ynares Eco System) to Green Program ng provincial governemt at flagship project ni Rizal Gob Nini Ynares na pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan, ay isinama ang Hinulugang Taktak na itinuturing na natural at cultural heritage ng Antipolo.

Naging mga panauhin sa pagbubukas ng Hinulugang Taktak sina Rizal Gob. Nini Ynares, Vice Gob. Popoy San Juan, Jr., Antipolo City Mayor Jun Ynares, Presidential Adviser for Environmental Protection at LLDA General Manager Nereus Acosta, at DENR. Undersecretry Atty Analiza Rebuelta-Teh at marami pang iba. Tampok sa pagbubukas ng Hinulugang Taktak ang candle lighting ceremony at Pledge of Commitment to save Hinulugang Taktak ng mga panauhin at lahat ng dumalo.

Sa bahagi ng mensahe ni Rizal Gob. Nini Ynares, ang rehabilitasyon ay simula pa lamang at nais niyang matupad ang layunin na maging tourist destination ang Rizal, simula sa Hinulugang Taktak kabilang ang mga simbahan. Kung lalakas ang turismo a Rizal, magkakaroon ng hanapbuhay ang mga mamamayan. Kasunod ng rehabilitasyon ang pagtatayo ng waste water treatment upang maging malinis ang tubig ng Hinulugang Taktak. Ayon naman kay Antipolo Mayor Jun Ynares, malayo pa ang katuparan na maibalik sa dati ang Hinulugang Takak ngunit natupad ang pagmumulat sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng Hinulugang Taktak.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente