Dinurog ng Adamson University ang De La Salle, 11-1, para makumpleto ang first round sweep ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium kamakailan.

Nangailangan lamang ang five-peat seeking Lady Falcons ng 5 innings para makamit ang pang anim na sunod na panalo na nagpalawig sa kanilang kahanga hangang winning run sa 54 na laro mula pa noong Season 74.

Bagamat natalo, sorpresa pa ring tumapos na pangalawa ang Lady Archers na may 4-2 panalo-talong kartada sa first round.

Sa Iba pang mga laban, tinalo ng University of the Philippines ang National University, 10-3, sa loob ng anim na innings, habang ginapi naman ng University of Santo Tomas ang University of the East, 7-3.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Dahil sa panalo, nakapuwersa ang Lady Maroons at ang Tigressss ng 3- way tie sa ikatlong puwesto kasama ng season host Lady Warriors sa patas na barahang 3-3.

Ang Lady Bulldogs naman, runners-up sa nakalipas na dalawang seasons,ay bumagsak sa ika anim na puwesto hawak ang kartadang 2-4, panalo-talo habang nanatiling walang panalo ang Lady Eagles makaraan ang anim na laro.