AGONCILLO, Batangas – Limang pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga kubo sa Agoncillo, Batangas.

Inabot ng halos isang oras bago naapula ang sunog sa Barangay Pansipit, ayon sa report ni PO3 Rennie Pulhin.

Dakong 6:55 ng gabi nitong Sabado nang masunog ang mga kubo nina Rosita Agojo, Merlita Ibabao, Randy Gabuna, Rubelyn Rubion at Narry Francisco.

Wala namang naiulat na nasugatan sa sunog, at inaalam pa ng awtoridad ang sanhi nito.
Metro

DSWD, magbibigay ng ₱15k ayuda sa pamilya ng nasawing babae sa payout