Tapos na ang negosasyon sa pinakahihintay na sagupaan nina WBC at WBA welterweight champion Floyd Mayweather Jr. at ang kanyang katapat sa WBO na si Manny Pacquiao at inaasahang ihahayag ng Amerikano ang detalye sa $200-M megabout sa linggong ito.

Manonood si Mayweather ng NBA All-Star Game sa New York kung saan may mga espekulasyon na ihahayag niya ang welterweight megabout.

“The lengthy negotiations to try to make the megafight between Floyd Mayweather Jr. and Manny Pacquiao are almost over, and the boxing world should know this week whether the two will meet May 2 at the MGM Grand Garden or face different opponents,” ayon sa ulat ni Steve Carp ng Las Vegas Journal-Review. “A source close to the negotiations who did not want to be identified said Saturday the two sides are close to a deal and only a few items remained to be negotiated. He would not say what those items were.”

Ngunit kinumpirma ni Top Rank Chairman Bob Arum na nasa mga pinal na yugto na ang negosasyon sa sagupaang pinakahihintay ng boxing fans.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I’m very optimistic,” sabi ni Arum. “We’re waiting to hear from Floyd. But from everyone’s perspective, it needs to get resolved this week. You have to start planning things, and there’s a lot that has to be done.”

Iniulat naman ng pahayagang Telegraph sa London na nagkasundo na ang dalawang panig pero kaagad sinabi ni Showtime Sports vice president Stephen Espinoza na hindi pa pinal ang kasunduan.

“Not yet (finalized),” giit ni Espinoza. “But with a couple of items still to be negotiated, it probably won’t be until early in the week that any announcement will come from Mayweather.”