Malungkot ang pagsisimula ng 2015 para sa 2,185 importer at broker matapos silang pagbawalang makipagtransaksiyon sa Bureau of Customs (BoC) dahil sa kakulangan ng akreditasyon mula sa ahensiya.

Lumitaw sa datos ng BoC na 11,478 sa 12,000 ang nabigyan ng akreditasyon ng ahensiya. Samantala, 1,332 mula sa mahigit 2,000 broker ang pinahintulutang makipagtransaksiyon sa kawanihan matapos makakuha ng akreditasyon.

“Sila ang mga active importer at broker sa BoC as of February 4 to 5,” pahayag ni Jay Crisostomo, acting chief ng Customs-Public Information and Assistance Division (PIAD).

Kabilang sa mga tinaguriang “active importer” sa listahan ng BoC ang mga accredited consignee ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kabilang sa mga kilalang importer ang Mercury Drug Corp., Sky Cable Corp., Philfoam Furnishing Industries, Inc., Sharp (Phils.) Corp., Duty Free Phils., Corp., National Book Store, Inc., at DM Consunji, Inc.

Nasa listahan din ng BoC ang Honda Phils, Inc., IBM Philippines, Alaska Milk Corp., Jetti Petroleum, Inc., Daewoon Pharma Philippines, Inc., SGS, Inc., at Evergreen Manufacturing Corp.

Ayon sa BoC official, bumaba ang bilang ng mga accredited importer at broker dahil sa paghihigpit ng ahensiya sa pagbibigay ng kaukulang akreditasyon noong 2014.

Bago ang deadline noong 2014, nasa 14,995 ang nakarehistrong importer at broker sa ahensiya.

Subalit ayon sa record ng BoC, 12,810 lamang ang nabigyan ng akreditasyon.