TANAUAN CITY, Batangas - Hindi na naisalba ang buhay ng isang dalawang taong gulang na lalaki na nakuryente sa Tanauan City, Batangas.

Dead on arrival sa Laurel District Hospital si Hans Clifford Discocho, ng Barangay Altura Matanda sa lungsod.

Ayon sa report ni PO2 Roswell Sandicon, dakong 7:30 ng gabi noong Sabado at nagluluto ang lola ng bata nang marinig ang iyak ng biktima, na naabutan niyang nakahandusay sa sahig.

Lumabas sa imbestigasyon na may hawak na susi ang biktima at posibleng naisaksak ito sa outlet ng kuryente.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm