Isang tauhan ng Caloocan City Police ang pinaghahanap ng awtoridad matapos magpaputok ng kanyang service firearm nang mapikon sa tawag na foul ng referee sa isang basketball game sa Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Base sa ulat ng Manila Police District Station 1, kinilala ang suspek na si PO1 Ohnasis Tagudin, 36.

Lumitaw sa imbestigasyon na naglalaro ng basketball si Tagudin sa kanilang barangay dakong 10:00 noong Biyernes ng gabi nang tinawagan ng foul ng referee na si Jonathan Lumabas, 41, isang security guard.

Dahil sa hindi nagustuhan ang tawag na foul, kinompronta ni Tagudin si Lumabas at nagkaroon ng maaanghang na sagutan ang dalawa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, biglang nagdilim ang paningin ni Tagudin at kinuha ang kanyang service firearm mula sa kanyang bag bago ipinutok sa ere.

Rumesponde ang mga opisyal ng barangay sa insidente at kinalma sina Tugadin at Lumabas.

Nabawi ng mga imbestigador ang isang basyo ng bala mula sa 9mm pistol ni Tugadin, na nahaharap ngayon sa kasong alarm and scandal, ayon sa pulisya.