(AP) - Ang hindi maayos na waste management at walang pakundangang pagtatapon basura sa buong mundo ang posibleng nagdagdag ng walong milyong metriko tonelada (17.6 billion pounds) ng plastic sa karagatan noong 2010, na ngayon ay nagbabanta sa marine life, sinabi ng mga scientist noong Huwebes.

Ang limang worst offenders na inilista sa pag-aaral na inilathala sa journal Science ay ang China, Indonesia, Pilipinas, Vietnam at Sri Lanka. Ang United States ay nasa ika-20.

Ito ang unang pag-aaral na sumusukat sa dami ng basura na nagmula sa 192 bansa na may dalampasigan noong 2010, imbes na sa dami ng kasalukuyang nasa karagatan, na nasuri ng mga naunang pag-aaral.

Ang paraan ng pagtukoy sa dami nito ay ang mathematical model na ibinatay sa per-person waste generation para sa 192 bansa na may coastline.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Isang porsiyento ng basura ay ipinapalagay na plastic, at ang isang porsiyento ay ipinapalagay na mismanaged, ibig sabihin ay mga nagkalat o basurang itinapon sa lupa at hindi maayos na natakpan.

“It can get worse. If we assume a business as usual projection -- with growing populations, increasing plastic consumption and increased waste generation -- by 2025 this number doubles,” sinabi ni Jenna Jambeck, researcher mula sa University of Georgia sa mamamahayag sa taunang pagpupulong ng American Association for the Advancement of Science sa San Jose, California.

Ang middle income countries na may mabilis na lumalagong ekonomiya ay lumalabas na pinakamalaking contributors ng plastic trash sa dagat dahil bihirang makadebelop ng sapat na waste management systems para rito upang makasabay sa paglago, ani Jambeck.

“Using the average density of uncompacted plastic waste, 8 million metric tons -- the midpoint of our estimate -- would cover an area 34 times the size of Manhattan ankle-deep in plastic waste,” sabi ng co-author na si Roland Geyer, associate professor sa University of California Santa Barbara’s Bren School of Environmental Science and Management.

“Eight million metric tons is a vast amount of material by any measure. It is how much plastic was produced worldwide in 1961.”

Sinabi ng co-author na si Kara Lavender Law, research professor sa Massachusetts-based Sea Education Association, na ang pag-aaral ng grupo “is the equivalent of measuring what is coming out of the faucet rather than what is already in the bathtub.”

Nananatiling malabo kung ano ang nangyayari sa lahat ng plastic sa dagat at nababahala ang mga scientist sa epekto nito sa polusyon ng maselang fish and marine life na kumokonsumo sa plastic fragments.

Ang mga solusyon para sa problema sa plastic sa mundo ay kinabibilangan ng pagpapabuti sa waste management at pagbawas sa plastic consumption, ayon sa mga mananaliksik.

Dahil ang top 20 na bansa ang responsable sa 83 porsiyento ng mismanaged plastic waste, ang mga pagsisikap na ito ay dapat na higit na nakatuon sa pag-iiwas sa pagtatapon ng plastic sa karagatan at hindi sa paglilinis dito pagkatapos itapon ang mga basura.

“We need to prevent plastic from entering oceans in the first place,” wika ni Geyer. “Helping every nation develop a sound solid waste management infrastructure is a top priority.”

Ang pagtatas sa plastic re-use at recycle rates “is equally important,” dagdag niya.