SUBIC BAY, Freeport Zone- Kapwa nakabalik sa finals ang University of Perpetual Help at Emilio Aguinaldo College makaraang makapagtala ng tig-dalawang panalo sa Final Four round ng juniors division ng NCAA Season 90 beach volleyball tournament dito sa Boardwalk.

Katunayan, tumapos na pawang may barahang 2-1 ang Junior Altas pair nina Gabriel Casana at Ricky Marcos at Brigadiers Aljon Barbuco at Walt Amber Gervacio kasama ng San Sebastian College, ngunit nakuha ng Junior Altas at Brigadiers ang top two spots, ayon sa pagkakasunod, dahil sa mas mataas na quotient.

Nabigo ang Staglets na umusad sa finals nang makaranas ng straight sets na kabiguan sa kamay ng Junior Altas, 13-21, 19-21.

Samantala, sa women’s division, nagbabadya ang muling pagtutuos ng indoor finalists at eventual champion na Arellano University at runner-up na San Sebastian College sa kampeonato.

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP

Matapos ang pitong laro, wala pa ring natitikman na pagkatalo ang nakaraang taong runner-up pair nina Elaine Sagun at Angelica Legacion habang may anim na panalo at isang talo naman ang defending champion tandem ni reigning MVP Gretchel Soltones at bagong kapareha na si Camille Uy.

Huling ginapi ng Lady Chiefs ang Letran, 21-13, 21-13 at ang Lyceum of the Philippines, 21-14, 21-11.

Nakamit naman ng Lady Stags ang ikaanim na panalo matapos pataubin ang Perpetual, 21-17, 21-10.

Sa men’ s division, tila naman namumuro ang pagtutuos ng defending champion College of St. Benilde at Mapua na kapwa may tig-anim na panalo at isang talo.