Bumagsak sa kamay ng awtoridad ng isang pinaghihinalaang vice commander ng New People’s Army (NPA) at isang kasamahan nito sa inilunsad na operasyon ng Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command (EastMinCom) laban sa mga rebelde sa Surigao del Sur.

Sa isang kalatas, kinilala ni Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng EastMinCom, ang naarestong NPA lider na si Roberto Laurente Rivas Jr., alias Ka Opos, vice commander ng grupong NPA na kumikilos sa Surigao del Sur at karatig lalawigan; at isang Jojean Alameda.

Ayon kay Balagtey, naaktuhan ng militar ang dalawa habang nagtatanim ng landmine sa kalsada malapit sa Samilia Detachment, Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Nabawi sa dalawang rebelde ang isang anti-personnel improvised explosive device (IED), isang caliber 38 revolver, isang blasticcamp, 27-metrong kawad para sa IED, isang cell phone, dalawang baterya ng cellphone at P520 cash.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, nagkasagupa ang mga elemento ng Army Special Forces at NPA sa Barangay Capitan Ange3l, Malaybalay, Bukidnon dakong 9:00 noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng militar, walang naiulat ng namatay o nasugatan sa bakbakan ng dalawang grupo na tumagal lamang ng halos 10 minuto.