TalkNText Ranidel DeOcampo looses the ball against Barako Bull's Jake Pascual during PBA action at Smart Araneta Coliseum.   Photo by Tony Pionilla

Mga laro ngayon: (MOA Arena)

3 p.m. Globalport vs. Meralco

5:15 p.m. Barangay Ginebra vs. Talk ‘N Text

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ikalimang sunod na panalo na magpapanatili sa kanila sa  liderato ang tatangkaing sungkitin ng Meralco sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Nangunguna sa ngayon ang Bolts na taglay ang malinis na 4-0 kartada kasalo ang defending champion na Purefoods na may laban naman sa Dipolog City kontra sa Rain or Shine, ang huling koponan na naging biktima ng Meralco habang  isinasara ang pahinang ito.

Gaya ng mga naunang panalo, muling aasahan ni coach Norman Black, para pangunahan ang Bolts, ang import na si Josh Davis bukod pa sa malagkit nilang depensa at rebounding.

Maliban dito, umaasa rin si Black na makatulong ng malaki para sa kanyang koponan ang kumpiyansang nakukuha ng kanyang mga manlalaro sa kanilang mga naunang pagwawagi.

“Josh (Davis) is a good player defensively and in rebounding. But what’ s important for us is being able to beat the strong teams because it builds our confidence,” ani Black.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, wala pang linaw kung gagamitin pa rin nila ang unang import na si CJ Leslie o ang bagong import na si Calvin Warner na ayon Kay coach Erick Gonzales ay wala pang clearance mula sa huling liga na nilaruan nito.

Tatangkain ng Batang Pier na kumalas sa pagkakabuhol nila ng magkakatunggali na Talk ‘N Text Tropang Texters at Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa ikatlong posisyon na kapwa taglay ang barahang 2-2 (panalo-talo).

Batid na ang dikdikang laban sa pagitan ng dalawang koponan dahil kapwa sila galing sa panalo sa nakaraan nilang laban, ang Kings kontra sa Kia Carnival at ang Tropang Texters kontra naman sa dati nilang co-leader na Barako Bull.

Ayon Kay Talk ‘ N Text coach Jong Uichico, kailangan nilang makakuha pa ng maraming puntos mula sa offensive boards at tulong ng kanilang import na si Richard Howell at sa locals.

“We still have to get better. We’ve got to find a way to get more points on the board ,” ani Uichico.