Pinagmumulta ng gobyerno ng P414.5 bilyon ang Manila Water Company at Maynilad Water Services, Inc. mula sa nakolekta ng mga ito sa consumer para sa iba’t ibang water at sewerage system improvement project.

Inihayag ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na dapat pagmultahin ang Manila Water, na pag-aari ng Ayala Group of Companies, at Maynilad, na pag-aari ng Pangilinan group, bago ang mga ito payagang mag-adjust sa kanilang water rate sa Metro Manila.

Ito ay matapos ihayag ng dalawang kumpanya ang planong water rate adjustment na posibleng ipatupad ngayong Pebrero.

Hinikayat ni Atienza ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)na puwersahin ang mga water concessionaire na bayaran ang multa na ipinataw ng ahensiya simula noong Mayo 7, 2009.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“We are reminding them for the umpteenth time that before they even think of raising water rates, they should first comply with provisions of their service agreement with the government by providing waste water treatment facilities—for which they have been charging consumers,” pahayag ni Atienza.

Si Atienza ang kalihim ng DENR nang maghain ang gobyerno ng kaso laban sa Maynilad at Manila Water dahil sa kabiguan na tumugon sa nakasaad sa kani-kanilang concession contract kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na pag-aari ng gobyerno.

Nakasaad din sa mga kontrata ang pagtatayo ng mga waste water treatment facility.

Ayon kay Atienza, pinagmulta ng DENR ng tig-P100,000 sa kada araw na hindi tumugon ang MWC at Maynilad sa concessionaire contract.

Lumitaw sa record na simula Mayo 7, 2009 hanggang Enero 2015 ay umabot na sa P414,600,000 ang multa ng dalawang concessionaire.