KALIBO, Aklan - Malas ang naging Friday the 13th ng isang lola at kanyang apo sa Aklan matapos na pasukin ng magnanakaw ang kanilang bahay at pagtatagain sila.

Kritikal ang kondisyon sa ospital nina Maria Macogue, 85; at Jason Dave Macogue, 8, ng Barangay Laguinbanua West, Numancia, Aklan.

Nabatid na pinasok ng hindi nakikilala at nag-iisang suspek ang bahay ng mga biktima dakong 9:30 ng umaga noong Biyernes.

Ayon kay Chief Insp. Ulyses Cortiz, ng Scene of the Crime Operations (SOCO), narekober nila sa bahay ang isang gulok, gunting at T-shirt ng suspek na ginamit sa insidente.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Tinatayang aabot sa P200,000 halaga ng laptop computer, alahas at pera ang nakuha ng suspek sa mga biktima.