Tukoy na ng National Bureau of Investigation(NBI) ang isa sa mga IP address o lugar na posibleng doon unang na-upload ang kontrobersiyal na video ng madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay NBI-Anti Cybercrime Division Chief Ronald Aguto, hindi pa naman nila masabi sa ngayon kung doon nga unang na-upload ang video, pero posibleng isa iyon sa mga pinanggalingan.

“But since ongoing nga ang investigation, we cannot be disclosing the details,” pahayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima sa panayam.

Nagtungo na sa lugar ang mga tauhan ng NBI upang magsagawa ng imbestigasyon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod sa pagtukoy sa orihinal na pinagmulan ng video, ipinaliwanag ni Aguto na kasama sa trabaho nila ang pag-enhance sa video para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga indibiduwal doon.

Gagamitin din ang video footage at ang resulta ng pagsisiyasat ng NBI-Anti Cybercrime Division sa imbestigasyon ng DoJ-NBI Special Team sa Mamasapano clash.