Inihalal si LeBron James bilang unang vice president ng National Basketball Players Association (NBPA) kahapon, nagdala sa kanya sa union bilang second-most powerful leadership position kasama ang president na si Chris Paul, ayon sa league sources sa Yahoo Sports.

Itinulak na ni Paul si James upang sumanib sa isang senior position para sa NBPA’s executive committee ng ilang buwan, at naisakatuparang maging kandidato si James kahapon sa union meeting sa New York, sinabi ng sources. Nagsiboto ang NBPA’s player representatives para sa bagong executive committee members matapos ang pagpupulong kahapon ng tanghali, dagdag ng sources.

Ang NBPA ay kumakalinga upang ayusin ang hanay sa ilalim ng bagong executive director na si Michele Roberts. Sa mga nagdaang taon, ilang beses nang itinulak na mamakuha ng pinaka-prominenteng manlalaro sa liga upang humawak senior leadership positions. Ang pagkakaluklok ni James bilang first vice president ay ang pinaka-signipikanteng hakbang sa kanilang ginagawang proseso.

Ang NBA at NBPA ay maaaring humantong sa isa pang labor showdown sa 2017, kung saan ang bawat isa ay may oportunidad na ma-opt out ang kasalukuyang collective bargaining agreement at mapigilan ang posibleng work stoppage.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente