Noon ay may napabalita tungkol sa isang lalaking ipinanganak na mayaman at lumaki sa isang napakagarang mansiyon. Gayunman, ipinagpalit niya ang kanyang magagandang damit at alahas sa isang maruming kasuotan at posas sa loob ng piitan matapos mapatunayang nagtanim ng bomba sa kotse na kumitil sa buhay ng kanyang pamilya. Ginawa niya iyon sa pagsisikap na makamkam ang milyun-milyong dolyar na halaga ng ari-arian ng kanilang angkan. Ang epekto ng kanyang ginawa ay naging malinaw sa kanya nang ma-shock siya sa pagbasa ng hatol ng hukom sa loob ng hukuman.
Hindi ba ito isang kakatwang pangyayari? Dati nang mayaman ang lalaking ito! At mas yayaman pa ito sana kung handa lamang siyang maghintay. Ngunit hindi kailangang iyon na ang katapusan ng istorya. Isipin na lamang ang nalalabing posibilidad. Habang mayroon pa siyang hininga, maaari niyang tanggapin ang kanyang kasalanan at humiling ng saklolo kay Jesus, tulad ng ginawa ng magnanakaw na nakapako sa krus. At tulad nga ng magnanakaw na iyon, na itinuring na hindi angkop sa lipunan na ginawang angkop para sa Paraiso, ang lalaking ito ay maaaring maging “bagong nilalang”, isang bagong residente ng Langit.
Ang ganitong pagbabago ay laging posible para sa isang makasalanan. Ito ang sinabi ng Diyos sa Israel sa pamamagitan ni Propeta Ezekiel. Sapagkat hindi nga ikinatutuwa ng Diyos ang kamatayan ng masama, nakikiuwap Siya sa mga ito na magsisi.
Minsan, naiisip natin na para tayong isang malaking basurahan na puno ng kasalanan para mapatawad ng Diyos. Pakiramdam natin ay napakalayo ng Diyos dahil tadtad tayo ng kabuktutan at kamunduhan. Hindi tayo ganoon. Talikuran natin ang kasalanan at manalig tayo kay Jesus bilang ating tagapagligtas, at magagawa mong realidad ang posibilidad na iyon.
Walang napakabuti ang makapagliligtas ng kanyang sarili, ngunit wala rin namang napakasama na hindi maliligtas ng Diyos.