CHIZ AT HEART

INAABANGAN ngayong Linggo ang pag-iisang dibdib nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Alamin ang kanilang ginawang paghahanda para sa isa sa pinakaimportanteng araw ng kanilang buhay at panoorin ang hindi malilimutang mga tagpo sa kasalan sa Balesin Island ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tampok din sa episode ng KMJS ang mistulang malaking templo na Roman architecture ang disenyo na tinatawag na Temple of Leah. Alamin ang kuwento ng pagmamahalan na naging inspirasyon para ipatayo ang nasabing istruktura sa bayan ng Busay, Cebu.

At dahil malapit na ang Chinese New Year, hatid ng KMJS ang ilang paboritong Chinese food tulad ng lauriat na sinasabing may dalang suwerte, ang masarap na peking duck, at ang pinipilahang tindahan ng isang special lumpia sa Raon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Samantala, dating kilala sa bansa ang makulay at sagradong Kaoka, ang tradisyunal ng Chinese opera. At dahil iilan na lamang ang nakakaalam nito sa paglipas ng panahon, isang espesyal na pagtatanghal ng Kaoka ang hatid ng KMJS ngayong Linggo.

Mapapanood din sa KMJS ang tinaguriang Queens of the Road, ang mga beki na mga bagong recruit na traffic enforcer sa Rosario, Cavite; ang viral video ng mga gumigiling na manginginom sa Sultan Kudarat; at ang mga singing kartero ng Philippine Postal Office.

Ilan lang ang mga ito sa mga kaabang-abang na kuwento ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho pagkatapos ng Ismol Family sa GMA-7.