Sinimulan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang unang lecture kaugnay sa West Philippine Sea (WPS) sa Elite International School sa Riyadh noong Pebrero 2, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang una sa serye ng lecture ng embahada ngayong 2015 sa mga isyu ng WPS at ang nagpapatuloy na kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China sa Arbitral Tribunal sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Si Vice Consul Red Genotiva ang nagbigay ng lecture sa senior-year students, mga guro at punong-guro ng nabanggit na paaralan.

Binigyang diin ni Genotiva ang istratihiko at mahahalagang polisiya ng Pilipinas bilang isang arkipelagong bansa.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'