Inigo Pascual

NAKAPAGBIDA na sa first movie niya ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual pero sa latest movie ng young actor ay supporting lang siya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Pero no big deal ito sa bagets.

Ayon kay Iñigo nang makausap namin siya sa presscon ng pelikulang Crazy Beautiful You ay natutuwa nga raw siya at isinama siya ng Star Cinema sa newest KathNiel movie. 

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

“It is an honor to be working with them. I’m very thankful that I’m part of their partnership,” sey pa ni Inigo. 

Bukod sa kanilang tatlo ay kasama rin sa movie ng Star Cinema sina Lorna Tolentino at ama ni KC Concepcion na si Gabby Concepcion na naging kasintahan ng ama naman niyang si Piolo Pascual.  Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang beteranong artista? 

“Well, at first, eh, I was really nervous to work with them pero nu’ng nakita ko na ang set na sobrang happy, kaya medyo nadalian akong makisama sa kanila. They were all kind and generous, so it was very easy,” kuwento pa ni Iñigo. 

Aniya pa, ibang-iba na ang ginawa niya ngayon kung ikukumpara sa naunang pelikula niya.

“Sa totoo lang, I felt like it will be a challenge since it’s my third movie and first movie with Star Cinema. It’s something very different, I think mas malaki ang pressure sa akin ngayon kaysa doon sa Relaks, Its just Pag-ibig,” banggit pa rin ni Iñigo.