JaDine

PORMAL nang inihayag nitong nakaraang Biyernes sa 9501 Restaurant na On The Wings of Love ang titulo ng unang teleserye nina James Reid at Nadine Ilustre mula sa Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Mr. Deo Endrinal.

In fairness sa JaDine love team, marami na talaga silang followers kaya tiyak na may supporters ang serye nila tulad din ng pagsuporta ng ibang fans club ng ibang love teams ng ABS-CBN.

Sobra-sobra ang pasasalamat nina James at Nadine sa bagong project nilang ito.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“With everything that’s happening until now parang hindi pa ako… (makapaniwala), parang kulang pa ako sa kurot, parang hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nagyayari, but then wala pa, I’m just really thankful kasi ang bilis ng nangyari,” ani Nadine.

“It’s hard to digest and to actually realize that we have a full teleserye to ourselves so we feel a lot of pressure but were so excited,” sabi naman ni James.

Hindi naman daw sila pressured sa expectations ng fans.

“The fans make it easier for us ‘coz they give us so much support and were just even more excited than we really are. Ako it’s the excitement, mas nananaig ‘yung excitement kesa sa pressure but then it’s good to feel pressured, feeling mo mas macha-challenge mo ang sarili mo to do better,” say ni James.

Ano ang reaksiyon nila na ikinukumpara sila sa KathNiel tandem?

“It has been like that since the beginning,” mabilis na sagot ng binata.

“Nag-die down na din ‘yung pagko-compare but then ‘yun nga po we’re just really happy na may project kami na were doing well pa rin. Medyo nag-die down na din ‘yung issue,” sey naman ni Nadine.

Samantala, madalas nababalita na may ibang kasamang babae si James sa parties at sa bars, hindi ba nito maapektuhan ang love team nila?

“Well, first of all, they have these rumors and I mean we try not to let them get to us sometimes it does but I guess we just do our best,” sagot ni James.

“Since we’re a team nga, dapat solid kami but then I’m very confident na kaya niyang lagpasan ‘yung mga challenges na dumarating sa kanya, kaya niya naman,” salo ng dalaga.

“Yeah, well, she’s my closest friend sa girls,” ani James.

Samantala, humingi ng dispensa si James sa mga ipinost niya sa kanyang Instagram na ikina-offend ng tabloid reporters. Actually, hindi namin ito nabasa kaya hindi kami makapag-react, though nagulat kami sa sunud-sunod na bira sa tisoy na aktor kamakailan.

“First of all, I want to apologize kung may na-offend sa ‘pinost ko. Na-realize ko na mali ‘yung ginawa ko. Kaya ko tinanggal but at that time ang daming rumors na kumakalat.

“Like sex videos things like that. That was really upset. My friends, my family, my fans, they asked me if it’s true and the worst part is I can’t defend myself. I was just really upset. I was really, and the way I reacted, was wrong, I know that. But I really do appreciate what the press has done for me, it’s bad choice of words, I made a mistake. It won’t happen again.”

At least, na-realize ni James ang pagkakamali niya at hindi na siya nagmalaki pa.

Paano naman sinuportahan ni Nadine ang ka-loveteam ngayong negatibo ito sa tabloid reporters?

“Sometimes, I give him a pep talk with that naman po kasi na-realize naman niya his mistake. It takes a man to realize his mistake, na mag-apologize, so when he asks for advice naman kinukuwentuhan ko naman siya, nagbibigay naman ako ng advice,” pahayag ng aktres.

Feeling sikat na ba si James kaya nasasabi na niya ang gusto niyang sabihin?

“Sometimes I forget my position. But it was never my intention to offend, to people of the press, it more target at certain people, I guess it was wrong choice of words, so I’m sorry for that.”

As of press time ay hindi pa sinasabi ng Dos kung kailan ang airing ng On The Wings of Love na ididirek nina Don Cuaresma at Avel Sunpongco. Kasama rin sa project sina Joel Torre, Cherrie Pie Picache, Bianca Manalo, Arjo Atayde at Ms. Nanette Inventor.