LIMA, (AFP) – Nagbabala si German Foreign Minister Frank-Walter Steinmeiere ng matinding parusa sa Europe kung mabibigo ang ceasefire sa Ukraine.

Sa kanyang talumpati sa Lima, sinabi ni Steinmeiere na magkakaroon ng “huge damage” sa Europe kung lalabagin ng mga kalaban ang ceasefire, na nagsimula noong Sabado ng hatinggabi (2200 GMT).

“If we fail now in our efforts, all parties involved in the region... will pay a high price,” ani Steinmeier.

Pebrero 12 nang nagkasundo ang Rebels at Kiev sa ceasefire kasunod ng paliguy-ligoy na pag-uusap ng mga leader ng Russia, Ukraine, France at Germany sa Minsk.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente