NEW YORK (AP) – Tinalo ni Stephen Curry ang kakampi sa Golden State Warriors na si Klay Thompson at anim na iba pa upang masungkit ang kanyang unang titulo sa 3-point contest, habang nagpakita naman ng kagila-gilalas na aerial display si Zach Lavin eng Minnesota upang makopo ang dunk competition sa All-Star Saturday Night.

Nagtala si Curry ng 27 puntos sa final round. Naikonekta niya ang 13 sunod-sunod na pagtatangka hanggang magmintis sa kanyang final attempt, na nagpaingay ng husto sa fans at celebrities na nanonood.

Si Thompson, na naglista ng opening-round best na 24, ay nagawa lamang na makakuha ng 14 puntos sa final round. Pumangalawa si Kyrie Iriving ng Cleveland sa kanyang 17 puntos sa three-man final.

Samantala, ang 19-anyos na rookie ng Timberwolves na si LaVine ay umiskor ng perpektong 100 sa opening round kung saan ang kanyang threw-the –legs, one-handed reverse slam sa kanyang unang attempt ang nagsilbing highlight. Siya ay nagtala ng 94 sa final round upang maungusan si Victor Oladipo ng Orlando, na nahirapang mai-convert ang kanyang unang attempt at nagtapos na may 72 lamang sa championship round.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race