SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Kaagad namatay ang isang 65-anyos na dating deputy chief ng Bantay Bayan sa bayang ito matapos na pagbabarilin sa Purok 5, Barangay Luyos nitong Pebrero 13 habang pauwi galing sa kanyang palayan.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Abelito Concepcion y Pangilinan, may asawa, ng nasabing lugar, na nagtamo ng pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ni PO3 Ryan M. Tadeo, tumanggi ang pamilya ni Concepcion na isailalim siya sa awtopsiya at pagpursige sa pagsasampa ng kaso.

Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama