Muling magtatagisan ng galing ang mga bangkero sa iba’t ibang lalawigan sa taunang bancathon na tampok sa 2015 Manila Bay Seasports Festival.

Ang bancathon ay gaganapin sa Marso 14-15 sa Baywalk sa Roxas Boulevard.

Matutunghayan din ng apisyonado ang tunggalian ng mga kopona sa dragon boat na inaasahang lalahukan ng mga beteranong Olympian at ang mga nagwagi sa Southeast Asian Games (SEAG).

Inihatid ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila at sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay inaasahang dadagsain ng mga panatiko.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Magsisimula ang karera sa ganap na alas-8:00 ng umaga kung saan ang rehistrasyon ngayon ay first-come first-served. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tumawag sa 09217236658.