Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na walang nangyayaring recruitment o napipintong kudeta sa hanay ng organisasyon.

“We are a professional organization, we are loyal to the chain of command,” pahayag ni Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng PNP.

Ito ang reaksiyon ni Cerbo kaugnay ng pahayag ni Sen. Miriam Defensor Santiago, na kinumpirma ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, tungkol sa umano’y sa mga pagpupulong na target ang pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Benigno S. Aquino III.

“We have not received reports about that, we have not monitored anything about that,” ani Cerbo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Habang si Cerbo at ilang opisyal ay may alalahanin tungkol sa pagkamatay ng 44 na operatiba ng Special Action Force (SAF), iginiit niya na mayroong mga mekanismo na mahigpit na sinusunod ang 150,000 tauhan ng PNP.

Ito ang rason, aniya, kung bakit binuo ang Board of Inquiry, upang malaman ang katotohanan at makita nang malinaw kung ano talaga ang nangyari sa Maguindanao noong Enero 25.

Una rito, may mga usap-usapan tungkol sa umano’y sama ng loob ng SAF kay Pangulong Aquino na nagsilabasan nang pinili ng mga kawani ng SAF na manahimik nang tatlong beses silang tanungin ng Chief Executive kung mayroon silang mga tanong o alalahanin tungkol sa engkuwentro.

Ngunit minaliit ni Cerbo ang mga pagtatangkang iugnay ang SAF sa umano’y nilulutong kudeta, at sinabing kumpiyansa sila sa katapatan ng elite force sa chain of command.

Matatandaang nadawit din ang SAF sa isyu ng kudeta noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.