Ngayong Araw ng mga Puso, hinikayat ng isang pari ang mga kabataan na alamin ang pagkakaiba ng “pagmamahal” at “paghanga”.

Ayon kay Fr. Kim Margallo, director ng Commission on Youth sa Archdiocese of Palo sa Leyte, ang kalituhan sa dalawang salitang ito ay madalas natutuloy sa mga bagay na kinalaunan ay pinagsisihan, tulad ng pre-marital sex.

“Young people should understand Valentine’s Day in broader perspective and not solely in the context of romantic love,” ayon sa kanyang ipinaskil sa CBCP News.

Upang lalong maintindihan ang tunay na kahulugan ng “pagibig”, hinikayat ni Margallo ang mga kabataan ang mensahe ni Pope Emeritus Benedict XVI hinggil sa Deus Caritas (Diyos ay Pagmamahal) kung saan iginiit nito na ang tunay na pagmamahal ay ang pagsasakripisyo at hindi makasarili.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“True love does not wait for anything in return, such as the love of Christ wherein He never stopped loving us in spite of our sinfulness even to the point of death,” ayon kay Margallo.

Ikinalungkot ni Margallo na tila nawawala na ang pagsasakripisyo tulad ng nakasaad sa agape dimension of love.

“We now focus on romantic kind of love, especially among the youth, in that liking is already considered as loving,” dagdag ng pari.

Ang pagmamahal, ayon kay Margallo, ay isang proseso na nag-uumpisa sa paghanga, at kinalaunan ay nagiging pagmamahal habang tumitibay ang relasyon ng magkasintahan.