Kalagitnaan na ngayon ng Pebrero. Ang malamig na mga gabi ay nagbibigay-daan sa may kainitan. Ngunit pagsapit ng huling linggo ng Marso, magsisimula na ang summer season. Tataas ang temperatura sa Abril at Mayo. Sa loob ng maiinit na buwan na iyon, ang pangangailangan sa kuryente ay aabot sa rurok at ang pinangangambahang power shortage, kung saan naghahangad ang Pangulong Aquino ng emergency powers, ay mararamdaman na natin.

Agad na inaprubahan ng Kamara de Representantes ang Resolution No. 21 noong Disyembre na nagkakaloob sa Pangulo ng kapangyarihan na suspindehin ang ilang batas at regulasyon na nakasasagabal sa produksiyon ng kuryente, tulad ng Clean Air Act at ang Solid Waste Disposal Act, upang mapahintulutan ang pagkakakumpleto ng ilang power plant.

Gumugugol naman ng panahon ang Senado sa pagbuo ng sarili nitong resolusyon. Pinag-aaralan na nito ngayon ang Senate Joint Resolution No. 12 upang bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na palawakin ang generating capacity ng Luzon Grid nang matugunan ang tinatayang peak power demand ng 9,000 megawatts ngayong summer. Mandato ng Grid Code ang reserve na mahigit 1,650 megawatts upang matugunan ang mga fluctuation at wala sa panahong pagkasira. Ang kabuuang demand ay kailangang matugunan ng mga kumpirmadong plano ng iba’t ibang ahensiya ng enerhiya at ng private firms na gamitin ang sarili nilang generating sets sa panahon ng peak powers upang mabawasan ang demand sa naturang mga oras.

Ang problema sa enerhiya ay hindi gaanong napagtuunan ng atensiyon ng publiko nitong mga huling araw dahil sa iba’t ibang pangyayari tulad ng Mamasapano killings kaya naisantabi ang iba pang pambansang mga isyu. Ngunit ang isang anunsiyo noong isang araw na magbabayad ang publiko ng mas malaki sa pagkonsumo ng elektrisidad ngayong linggo ay nagpapaalala na totohanang magkakaroon ng power shortage sa summer.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Naniniwala si Sen. Sergio Osmaña III, chairman ng Senate Committee on Energy, na ang voluntary Interruptible Load Program (ILP), kung saan pagaganahin ng private firms ang sarili nilang generation sets sa peak hours, ay makatutugon sa kakapusan sa ilang araw ngayong summer. Isasauli sa mga kalahok na ahensiya at establisimiyento ang halaga ng diesel na ginamit sa kani-kanilang generation sets. Mas mainam ito, aniya, kaysa proposal ng Department of Energy na umupa ng gensets na magdudulot ng 300 megawatts sa halagang P6 bilyon sa loob ng dalawang taon.

Mahalaga rin ang kooperasyon ng publiko. Maaaring bawasan ng mga gusali ang paggamit nila ng air-conditioning units. Makatutulong din ang mga pamilya sa maraming paraan, tulad ng pagpatay ng ilaw kung hindi rin naman ginagamit at hindi gaanong paggamit ng electrice appliances. Isang kampanya sa bagay na ito ay maaaring ilunsad ng Department of Energy at mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng paglilist ang mga maaaring gawin upang mapanatiling mababa ang pagkonsumo ng elekrisidad.